Saturday, May 1, 2010

Salamat mama

Mama, salamat sa pag aalaga sakin mula noong nasa sinapupunan mo pa lang ako hanggang sa ipanganak ako.
Salamat sa mga sakripisyo na ginawa mo para sakin.
Salamat sa pagpupuyat mo para palitan ang lampin ko.
Salamat sa pagtimpla ng gatas para sakin.
Salamat sa paglalaba ng mga damit na sinusuot ko.

Alam kong masakit rin para sa iyo na magtrabaho sa ibang bansa dahil hindi mo makakasama kaming mga anak mo. Pero tiniis mo yung sakit para kumita at maipadala sa amin. Tiniis mo na umuuwi lamang tuwing ikalawang taon para magbakasyon ng isa hanggang dalawang buwan.
Salamat sa dalawampung taon na sakripisyo.
Salamat sa mga laruan.
Salamat sa magagarang damit.
Salamat sa magagandang sapatos.
Salamat sa mga makinang na alahas.
Salamat sa edukasyon.

Ikaw ang una kong guro. Tinuruan mo ako kung paano magmahal. Mula pa noong magkaisip ako, kahit hindi tayo magkasama naiparamdam mo na sakin yung tunay na pagmamahal.
Salamat sa pagtawag at pagbati tuwing kaarawan ko.
Salamat sa pagpapaalala na mag aral ako ng mabuti.
Salamat sa pagbati ng merry christmas.
Salamat sa paghihintay ng eksaktong alas dose ng hating gabi dito sa Pilipinas bago ka tumawag para bumati ng Happy new year.
Salamat dahil kahit nasa ibang bansa ka sinisiguro mo pa rin na maayos ang lagay namin ng mga kapatid ko.
Salamat sa pagbibigay inspirasyon.

Ikaw ang inspirasyon ko. Magmula pa noong bata, ikaw na ang idolo ko.
Salamat sa masasarap na luto.
Salamat sa bisikleta.
Salamat sa cellphone.
Salamat sa gameboy.
Salamat sa computer.
Salamat sa lahat ng materyal na bagay na binigay mo.

Salamat sa suporta.
Salamat sa tiwala.
Salamat sa respeto.
Salamat sa pagaaruga.
Salamat sa pagiging ina, kaibigan at inspirasyon.
Salamat sa pagmamahal.
Salamat sa lahat.

Salamat dahil kahit hanggang sa mga huling sandali mo dito sa mundo, kami pa ring mga anak mo ang inisip mo.
Salamat sa lahat.
Hinding hindi kita malilimutan. Sa puso ko, walang pwedeng pumalit sa pwesto mo.

Salamat..