Wednesday, September 29, 2010

Wild Ride

Bigla kong naisipan magbukas ng friendster. Halos isang taon ko na rin ata hindi nabubuksan yung account ko doon. Medyo namiss ko rin yun friendster kaya kinalkal ko ang mga laman ng account ko. Binasa ko ang mga testimonials. Tinignan ko ang mga pictures. At ui! Meron nga pala akong blog doon. Halos makalimutan ko na ito. Kinopya ko yung isa at ipepaste ko dito para hindi naman amagin. Onga pala, ang title nito sa friendster blog ko ay "Wild Ride".


It all started last Friday afternoon. I had no class but I
went to school to play basketball with friends. We played for 3 long hours.
After that, I met my classmates (group mates) in a place called trese (bar and
billiards somewhere along morayta). We waited for the other members to arrive.
When all the members were there, we headed straight to my classmate’s house.
Right after we arrived, we started making the project, and discussed how it
works. We had dinner while putting the finishing touches on our project. Since
we finished the project earlier than we thought, we agreed to play basketball
on a half-court nearby. We played there until everyone’s exhausted. Then, we
decided to go back to my classmate’s house. There, we rested for a while before
going out again to buy drinks and chips.

We then started the ritual (inuman session).
It’s really fun to drink with friends, laughing, chatting with them, and
talking about anything that crosses your mind. The sun was almost rising when
we finished the ritual.
I was the first one to get drunk. I vomited
once and went to sleep.

We woke up early coz some of us have classes.
We fixed ourselves and rode my classmate’s car. When we were half-way through
NLEX, I felt dizzy and told them "nasusuka ko". I opened the window,
put my head out, and vomited while the car is still moving. My classmate
stopped driving, we all went out of the car and I continued vomiting. The fun
side of this part of the story is when one of them said "oi

tara

picture". And the others answered "sige! sige! gitna ng NLEX toh ah,
astig!". The picture inserted in this blog is the one taken on NLEX.
Then, we went straight to school. Some went
home already, while the others hanged around. As for me, I went to my engecoa
class slightly drunk and dizzy.
END OF STORY.

Monday, September 27, 2010

Almusal

Habang nagdodota ako kanina(2:30am), bigla akong nakaramdam ng gutom. Naisipan kong mag browse ng mga blog tungkol sa mga almusal. Ang sasarap! Naalala ko tuloy yung iba't-ibang almusal na nakain ko na simula pa noong bata ako.


Lugaw, Champorado w/ keso bits, pandesal w/ palaman, pandesal w/out palaman, sinangag at tuyo, sinangag at adobo, sinangag at fried chicken, sinangag at longganisa, sinangag at hotdog, sinangag at pritong itlog, hamburger, cereals... Marami pang iba.


Pero ang tatlong paborito ko ay ang mga sumusunod:

1. Champorado w/ keso bits

2. pandesal w/ palaman

3. sinangag at tuyo / sinangag at longganisa



Champorado w/ keso bits. Nagsimula akong mahilig sa ganitong almusal noong grade 1 pa lang ako. Madali kasi kainin ang champorado. Madali rin itong gawin. Ready-to-make ito at lalagyan mo lang ng kaunting asukal at gatas. Bago ako gisingin ni mama, nakahanda ang champorado sa hapg-kainan. Lalagyan ko na lang ng asukal at gatas. Hindi ko na masyadong maalala kung bakit naisipan kong lagyan ng keso ang champorado. Basta ang alam ko, maraming keso dito sa bahay noong mga panahon na iyon. Kauuwi lang kasi nila mama at papa galing Saudi noon at marami silang uwi na keso, honey, at kung anu-ano pa. At ayun nga. Sa sobrang tamad ko ata na ipalaman ang keso sa tinapay, binutil butil ko ang keso at hinalo sa mangkok kasama ang champorado. Nasarapan naman ako. At doon nagsimula ang champorado w/ keso bits.


Pandesal w/ palaman. Masarap ang pandesal lalo na kung bago at mainit. Masarap ito kung may palaman. Pero masarap rin kahit wala. May palaman man o wala, kapag isinawsaw sa mainit na kape, hhhmm.. sarap!


Sinangag at tuyo / Sinangag at longganisa. Ito na siguro ang pinaka paboritong almusal ng mga pinoy. Dagdagan mo pa ng pritong itlog at kamatis. Samahan mo pa ng sawsawan na suka. Ang sarap! Mas masarap itong kainin habang nagkakamay at nakataas ang isang paa sa upuan.


Ginutom tuloy lalo ako. 4am na. Ano kaya maalmusal mamaya?

Tuesday, September 21, 2010

"Actually maam, it's my first ever job interview."


8:30am ng dumating ako sa vxi(isang call center sa Munoz). Kinakabahan ako. Pagdating ko sa harap ng building ng vxi, napaatras ako at tumambay muna sa gilid. Inhale exhale lang saglit pampawala ng kaba. Pagpasok ko nag log in ako sa table sa bungad. At pagkatapos ay binigyan ako ng gate pass at ng isang application form. Pagpasok ko sa loob ng waiting area para sa mga aplikante ay bumungad agad ang maraming tao. Mga aplikante rin na tulad ko. Hindi ko na sila masyadong binigyang pansin dahil kinakabahan pa rin ako. Nag fill up ako ng application paper at ipinasa ito kasama ng resume ko. Nag apply ako sa posisyon na TSR(technical support representative). Matapos ang ilang minutong paghihintay, may isang magandang babaeng tumawag sakin at pinapunta ako sa opisina niya.


Nagsimula na ang interview. Kumabog na ng husto ang dibdib ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang sumasagot sa bawat tanong. At pumipiyok piyok pa ako habang nagsasalita. Ayun. Kumbaga sa kanta, simula pa lang wala na ako sa tono. Sintunado. 10 minutes lang ata tapos na agad. Nagmukha akong tanga sa una kong interview. Ito na lang ang nasabi ko nun huli:

ako: Actually maam, it's my first ever job interview

Napangiti yun nag interview sakin. Binigyan pa ako ng pampalubag loob na "You did okay for your first time." At sinundan pa ng maikling payo na "But you should do better next time you apply for a job. You should be confident when you answer."


Medyo masama ang loob ko sa sarili pagkatapos ng interview. Alam ko kasi na higit pa dun ang kaya ko kung hindi lang sana ako kinabahan. Pero tapos na yun. Ang importante kahit hindi ako natanggap ay mayroon pa rin akong natutunan. Mga simpleng bagay lang na babaunin ko sa mga susunod ko pang job interviews.


Meron pang kasunod ito. Pero tinatamad na ako isulat. Next time na lang. Haha!

Saturday, September 18, 2010

ber months of 2008

        It was in the second half of 2008 when I started to attend this so-called CLP(Christian Life Program.. I'm not quite sure if that is what it really means..). Someone who wishes to be a member of SFC must undergo CLP. CLP has 10-12 modules(Again, I'm not quite sure about this.). It will be held once every week(usually saturday night). Every module discusses Christian values. The speaker will vary each module.

        I've wanted to join SFC since I was 18yrs old. I just didn't know how. Not until in 2008 when a friend told me about an upcoming CLP. I was so excited to attend. I was looking forward to meeting new friends and having something new to do. But most important of all, being able to participate in a program where everything revolves on God. I wanted to have a better relationship with Him.

        During that same time, my mother was diagnosed of having a Colon cancer(stage 3b).


*************************************************

I've prayed every night for my mother to be safe and healthy. I did that since I was in elementary. 

*************************************************


        After I heard about my mom's condition, my faith was almost shattered. I felt so alone. I felt God neglected me. And I almost neglected God.

        But then I realized.. God won't let me down. His will won't lead mo to somewhere/something where His grace will not reach me. I started to accept my mom's illness. I saw her suffer so much. And it breaks my heart each time I see her cry in pain. I prayed hard: "Lord, Kayo na po ang bahala. Ibinibigay ko na po siya sa Inyo. Wag Niyo nalang po sana siyang hayaan na mahirapan pa." --> and Liters of tears would fall each time

        My mom passed away in the 26th of October 2008. I thanked God. He answered my prayer. He didn't let my mom suffer more. And I will be forever thankful for that. 

        But then I felt so depressed. Reminiscing moments with her when awake. Dreaming about her when asleep. ( I slept 2hours a day since I learned about my mom's sickness. Only after 4-6months was I able to sleep normally again.)

        After my mom's funeral, I went back to school. I took special midterm examinations. It was harder than usual, of course. The painful past flashes back as I answered my exams.

        Days passed by so quickly. I watch TV when I'm at home. I go to school from monday-saturday. And I attend the CLP every saturday night. The CLP ended. I became a member of SFC. And Christmas was just days ahead.

        That was the worst Christmas I ever had. The usual phone call from my mom was gone. The joyful "Merry Christmas!" text greeting from her was gone as well. Watching Christmas programs just adds to the burden.

        That is how I remember the ber months of 2008.


Writing this blog was not easy for me. It reminds me of the pain.. of the most painful experience I ever had. 

Friday, September 17, 2010

Torpe lang



        Nagsimula ang lahat noong first year, second term, final exam sa physics, bandang 12:00-12:30pm. Departmental ang exam kaya lahat kami ay busy sa pagrereview(Okay sige. Yung iba lang ang nagrereview. Nakikipagkwentuhan lang ako sa klasmeyt ko). 1pm ang exam. Room M202 ang designated room para sa section ko. Bakante ang kwarto kaya dun kami tumambay at naghintay mag ala una. May mga nag eexam pa sa room M201 sa mga oras na iyon kaya sa room M202 rin tumambay at nagreview ang section na naka designate mag exam sa M201.

        Nagkukwentuhan kami ni ilo(si ilo ay isa sa mga tinuturing kong bespren). Biglang may mga dalagang pumasok sa kwarto. Tila nag slomo ang paligid. Para akong nakakita ng isang anghel na may hawak na reviewer sa physics(Siyet! Naka nganga pa ata ako ng ilang saglit noong mga oras na iyon). Isang magandang binibini ang nakita ko. Na-love at first sight ata ako. Hulog na hulog.


"Ilo, sino yun?"

"Ha?"

"Ayun oh.."

"Hindi ko kilala eh. Hayaan mo tatanong ko kay mel. Kilala ko yun katabi niyang babae."


*******************************************************************************

Note: Sa isang exclusive school ako nag aral mula kinder1 hanggang grade6. Noong hay skul naman coed na nga pero bilang lamang sa daliri ang mga babae. Kaya hindi ako sanay makitungo sa mga babae. Lalo na kung crush ko.

*******************************************************************************

        Pangalawa sa huling araw ng exam. Nakita namin ni ilo ang crush ko. Kunin ko daw number sabi ni ilo. Unti unti akong tumiklop at pinagpawisan ng malamig. (haays! torpe!)

        Nagawaan ng paraan ni ilo. kinuha niya ang cellphone ko at tinanong kay mel ang number ng crush ko(Yan ang bespren! Haha!).




        At diyan nagsimula ang maalamat kong paghanga sa isang babae. Hindi ko siya naligawan. Ligaw-tingin lang. Naka text ko siya dati. Pero hindi ko siya nakausap sa personal. Puro lihim na sulyap na may kasamang pagsinghap lang ang nagawa ko.

        Sobrang taas ng paghanga ko sa kanya. Walang halong pagnanasa(pramis! hehe). Halos limang taon na ang nakalipas pero hindi nabawasan ang paghanga ko sa kanya. Hindi naman ako ganito katorpe sa ibang babae. At mapapatunayan yan ng mga tropa ko.

Yun lang. Bow! Haha!

Thursday, September 16, 2010

Failed Trip


        Matagal kong inabangan ang field trip namin sa college. 2nd year o 3rd year college pa lang ata iniimagine ko na kung anu-ano ang mga mangyayari dun. At habang palapit na ng palapit ang field trip lalo akong naeeksayt. Siyempre kasi isang beses lang ito mangyayari sa buhay kolehiyo ko. At kasama ko pa halos lahat ng barkada ko sa skul. Para bang outing ng barkada ang mangyayari.

        Lumipas ng mabilis ang mga araw..

"Field trip na natin sa susunod na araw! Kila piyek na tayo matulog para malapit. Para maaga tayo."  --> Napagkasunduan namin na sa bahay ng klasmeyt na namin kami matulog dahil malapit yun sa skul at 5am ang call time para sa field trip.

        At ayun nga, kila piyek kami natulog. Pero nagdota muna kami sandali(9pm-3am ata?). Pagkatapos magdota ay dumiretso na kami kila piyek para umidlip.

quarter to 5 na.. Bumangon na kami at sabay-sabay pumunta sa skul. Excited kaming lahat. Pagdating sa lerma, nakita namin ang epal na staff ng discipline office ng skul. Tawagin na lang natin siyang bonjing.

"Ang aga naman pumasok niyan. Sipag ah." --> Medyo humanga pa kami kay bonjing dahil nga maaga siya. Wala pa kaming kamalay malay na siya ang sisira ng araw na pinakahihintay namin.

        Nasa bus na ang lahat. Nag-checheck na ng attendance. Nagulat ang lahat ng umakyat si bonjing sa bus.

" !@#$%^&*... !@#$%^&... " --> Lahat na ata ng mura naibulong ko sa sarili ng marinig ko ang mga sinabi ni bonjing.


"Ahh.. Goodmorning istudents! Alam ko naman na hindi niyo gusto na sumama ako... blah! blah! blah!... Wala tayong magagawa. Utos ng itaas. Sumusunod lang tayo... blah! blah! blah!..." --> Yamot na yamot ako habang pinakikinggan ang speech ni bonjing.



        I-fast forwad na natin ang kwento. Dun na lang tayo sa mga highlight.



1st day, Dinner:

        Masarap ang pagkaen. Magaling talaga magluto ang mga kapampangan. Solb solb lahat. Dahil karamihan samin ay barako, napag usapan ang inuman. Naka tunog ata si bonjing sa plano namin magkakaklase. Binalaan niya kami na bawal daw mag inuman. Dahil matigas ang ulo namin, walang nakinig kay bonjing. Nag ambagan na at bumili ng alak at pulutan. Kanya kanyang tago sa ibat ibang bag para hindi madaling mahuli.                                

        Mga 8-9pm na ng makarating kami sa resort na tutulugan namin. Maraming tao. Maraming nag iinuman. Nag ayos lang ng gamit sa kanya kanyang kwarto bago nagkumpulan ulit ang mga barako. Napagkasunduan namin na magpaalam ng maayos kay bonjing. Kakausapin namin ng maayos at magpapaalam na iinom kami at idadahilan na field trip naman, nasa resort naman kami, baka yun na ang huling araw na kumpleto kami dahil mga graduating na, moment na namin yun para makapag enjoy, etcetera etcetera.. (Nasa taas yun picture nitong moment na to!)

        Nag usap sa loob ng kwarto si bonjing at ang prof namin na coordinator ng field trip. Ang tagal nila. Napaka habang pag uusap. Paglabas ni bonjing sinabi niyang hindi daw pwede. Kasi daw tinawagan daw siya ng isang school director at sinabi na bawal daw kami uminom(taenang dahilan yan!).

        Dismayado ang lahat ng mga barako(mahigit bente kami, halos trenta). Walk-out lahat. Yung iba nag swimming na lang. Yung iba naman nagsugal sa kwarto nila. Yung iba gumawa ng design sa broadcasting. Pero kaming mga matitigas ang ulo, nag inuman pa rin sa isang kwarto. Si bonjing ang pinagkwentuhan namin. Imbis sana na masaya ang kwentuhan, tungkol sa kabadtripan ang topic namin.

        Siguro alam na ni bonjing na nag iinuman kami sa loob ng kwarto namin. Palakad lakad kasi siya sa labas. Para siyang aso na naghihintay ng buto na lalabas sa pinto ng kwarto namin.

        Nang minsan binuksan namin ang pinto, andun siya at nakita kami. Huling huli sa akto. Pumasok siya at umupo. Nakipag kwentuhan pero hindi siya uminom. Okay naman ang kwentuhan. Sinasakyan namin ang minasanang pagyayabang ni bonjing. Kinuwento niya ang pagiging militar niya, malakas daw siya uminom sa krame, blah! blah! blah! Habang nag eexplain naman kami ng side namin kung bakit namin sinuway ang sinabi niyang bawal uminom.

        Naging maayos naman ang mga huling usapan. At inakala namin na wala ng kaso. Nakipag kamay pa kasi sa amin si bonjing.

"Wala na lang leakage ah.. walang leakage.." --> Samin samin na lang daw yun nangyari. Wag na lang daw sasabihin sa iba.


        Kinaumagahan, mga 6am, kinatok isa-isa ang bawat kwarto ng mga estudyante. Almusal na daw. Pero bago ang almusal, pinapila niya kami. Parang P.E. lang. Amputik! Mag eexercise daw kami!  Stretching at jumping jack. Nagmukha kaming mga clown sa harap ng ibang mga guest ng resort.

        Masarap ulit ang almusal. Solb!


        Nasa pagitan ng 7-8am na ng sumakay kami sa bus. Si bonjing ang huling umakyat. Pag akyat niya, hinawakan niya ang mikropono at akmang mag lilitanya na naman. Hindi ko na maalala yun mga salitang ginamit niya. Pero ang mensahe ay patungkol sa drinking session namin.

        Napayuko na lang ako. Nagbubulungan ang mga kasama ko sa inuman. Parang mga bubuyog na ang sinasabi ay "Asan na yung walang leakage? Wala pa lang kwenta kausap yan eh."

        Sirang sira na ang field trip. 24hrs pa lamang pero sandamakmak na badtrip moments na. Meron pa kaming dalawang araw para pagtiisan si bonjing.



to be continued...

Thursday, September 9, 2010

Beng Beng Boys


Nakakamiss yung mga araw na katulad niyang larawan sa kaliwa. Mga araw sa eskwela kasama ang mga barkada. Kulitan, harutan, kwentuhan, tawanan..

Araw-araw gusto kong pumasok hindi lamang para matuto, para rin makasama ko ang mga tropa ko. Bawat araw meron akong natututunang bago sa aking mga professor. At bawat araw rin ay meron akong natututunang bagong kalokohan sa mga tropa ko. Walang oras na hindi masaya kapag kami ang magkakasama.



Ito ang paborito kong litrato ----->
Kuha yan sa Morayta, sa tapat mismo ng FEU. Break namin at papunta na sa tambayan. Nang bigla nalang naisipan na magpiktyuran sa kalsada. Nakakatawang isipin na huminto yung mga jeep at pinagbigyan kami sa trip namin. At ayan nga. Picture perfect. Haha!


Hindi ko alam kung bakit bigla kong naisipan na gawin ito.
Siguro kasi wala na akong subject sa school. Siguro masarap lang
magbalik tanaw kapag alam mong hindi na mauulit yung mga karanasan
na iyon. Pero siguro rin wala lang akong magawa at ito ang napagdiskitahan ko. ;p