Tuesday, September 21, 2010

"Actually maam, it's my first ever job interview."


8:30am ng dumating ako sa vxi(isang call center sa Munoz). Kinakabahan ako. Pagdating ko sa harap ng building ng vxi, napaatras ako at tumambay muna sa gilid. Inhale exhale lang saglit pampawala ng kaba. Pagpasok ko nag log in ako sa table sa bungad. At pagkatapos ay binigyan ako ng gate pass at ng isang application form. Pagpasok ko sa loob ng waiting area para sa mga aplikante ay bumungad agad ang maraming tao. Mga aplikante rin na tulad ko. Hindi ko na sila masyadong binigyang pansin dahil kinakabahan pa rin ako. Nag fill up ako ng application paper at ipinasa ito kasama ng resume ko. Nag apply ako sa posisyon na TSR(technical support representative). Matapos ang ilang minutong paghihintay, may isang magandang babaeng tumawag sakin at pinapunta ako sa opisina niya.


Nagsimula na ang interview. Kumabog na ng husto ang dibdib ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang sumasagot sa bawat tanong. At pumipiyok piyok pa ako habang nagsasalita. Ayun. Kumbaga sa kanta, simula pa lang wala na ako sa tono. Sintunado. 10 minutes lang ata tapos na agad. Nagmukha akong tanga sa una kong interview. Ito na lang ang nasabi ko nun huli:

ako: Actually maam, it's my first ever job interview

Napangiti yun nag interview sakin. Binigyan pa ako ng pampalubag loob na "You did okay for your first time." At sinundan pa ng maikling payo na "But you should do better next time you apply for a job. You should be confident when you answer."


Medyo masama ang loob ko sa sarili pagkatapos ng interview. Alam ko kasi na higit pa dun ang kaya ko kung hindi lang sana ako kinabahan. Pero tapos na yun. Ang importante kahit hindi ako natanggap ay mayroon pa rin akong natutunan. Mga simpleng bagay lang na babaunin ko sa mga susunod ko pang job interviews.


Meron pang kasunod ito. Pero tinatamad na ako isulat. Next time na lang. Haha!

No comments:

Post a Comment