Thursday, September 9, 2010

Beng Beng Boys


Nakakamiss yung mga araw na katulad niyang larawan sa kaliwa. Mga araw sa eskwela kasama ang mga barkada. Kulitan, harutan, kwentuhan, tawanan..

Araw-araw gusto kong pumasok hindi lamang para matuto, para rin makasama ko ang mga tropa ko. Bawat araw meron akong natututunang bago sa aking mga professor. At bawat araw rin ay meron akong natututunang bagong kalokohan sa mga tropa ko. Walang oras na hindi masaya kapag kami ang magkakasama.



Ito ang paborito kong litrato ----->
Kuha yan sa Morayta, sa tapat mismo ng FEU. Break namin at papunta na sa tambayan. Nang bigla nalang naisipan na magpiktyuran sa kalsada. Nakakatawang isipin na huminto yung mga jeep at pinagbigyan kami sa trip namin. At ayan nga. Picture perfect. Haha!


Hindi ko alam kung bakit bigla kong naisipan na gawin ito.
Siguro kasi wala na akong subject sa school. Siguro masarap lang
magbalik tanaw kapag alam mong hindi na mauulit yung mga karanasan
na iyon. Pero siguro rin wala lang akong magawa at ito ang napagdiskitahan ko. ;p





2 comments:

  1. wowoweee. pasado ka na din pala lahat.. petiks.. sama ka samen ni Jelo, job hunting tayo pre.. :)

    --nakakamiss nga ang school. ngayon ko lang nasabi sa sarili ko to.. hehehe. pero hindi pa rin pala, gusto ko na tumuntong sa stage..

    ReplyDelete